Dr. Rontgene Solante
-- Advertisements --

Naniniwala ang infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante na epektibo ang mga COVID-19 vaccines na available sa kasalukuyan kontra sa bagong Delta variant subtype.

Ito ay kahit pa limitado pa rin hanggang sa ngayon ang impormasyon tungkol AY.4.2., na unang natuklasan sa United Kingdom at India.

Ayon kay Solante, kakaunti pa lang ang datos na mayroon ngayon ang mga eksperto sa buong mundo hinggil sa transmissibility at kakayahan ng Delta variant subtype na ito na makapagdulot ng mas malalang sakit.

Gayunman, sa ngayon, nakikita niya na katulad ng Delta variant ay mas nakakahawa ang kakatuklas lamang na subtype ng virus.

Sa ngayon, sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi pa nakakapasok sa bansa ang AY.4.2. 

-- Advertisement --

Gayunman ay mahigpit pa ring pag-iingat at pagsunod sa minimum health standards ang panawagan ng kagawaran sa lahat para makaiwas na rin sa COVID-19.