-- Advertisements --

Inalmahan ng dalawang health officials sa Estados Unidos ang naging pahayag ni President Donald Trump na “exaggerated” umano ang inilabas na federal data ng COVID-19 cases at deaths sa nasabing bansa.

Ayon kay top infectious disease expert at director ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases na si Dr. Anthony Fauci, ang mga iniulat na namatay ay tunay na bilang ng mga nasawi sa Amerika.

Bukod dito hindi rin daw peke ang pagod na nararamdaman ng mga healthcare workers na nangunguna sa laban kontra COVID-19.

Dinepensahan nina Fauci at U.S. Suregion General Jerome Adams ang accuracy ng coronavirus data na inilabas ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention matapos atakihin ni Trump ang tabulation methods ng ahensya.

Naniniwala kasi ang outgoing president na iba ang ginagamit na method of determination ng mga health officials kumpara sa ibang bansa kung saan nakakakita ng pagbaba sa naitatalang kaso ng coronavirus.

Sa kabila nito ay naniniwala pa rin sina Fauci at Adams na unti-unti nang magsisimula ang vaccination process para sa milyon-milyong populasyon ng Amerika.