-- Advertisements --

Pumapalo na ngayon sa 9,903,774 ang mga dinapuan ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, 3,992,182 (99%) ang nasa mild condition at 57,643 (1%) naman ang nasa serious o critical condition.

Estados Unidos pa rin ang bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19, kung saan umaabot na ito sa 2,552,956, habang ang mga nasawi ay 127,640.

Sa buong mundo naman ay 496,796 na ang mga binawian ng buhay dahil sa naturang virus.

Samantalang 5,357,153 naman ang mga mga naka-recover, matapos ang gamutan at quarantine procedure.