-- Advertisements --

Lumobo pa sa 8,578,052 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong daigdig.

Ang 3,536,946 (98%) sa kanila ay mayroong mild condition, habang ang 54,561 (2%) ay nasa serious o critical condition.

Sa listahan ng mga bansang may kaso ng COVID-19, Estados Unidos pa rin ang nangunguna na may 2,263,651 infected at 120,688 fatalities.

Habang sa buong mundo ay may 456,284 binawian ng buhay dahil sa deadly virus.

Ang mga naka-recover naman ay umaabot na sa 4,530,261.