-- Advertisements --
Pumalo na sa 4,626,487 ang kabuuang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.
Umaabot sa 2,515,588 (98%) sa mga ito ay mayroong mild condition, habang ang 45,007 (2%) ay serious o critical condition.
Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa mga bansang may COVID-19.
Nakapagtala na sila ng 1,484,285 nagpositibo at 88,507 naman ang mga nasawi.
Habang sa buong mundo ay may 308,610 fatalities.
Samantala, may 1,757,282 nang naka-recover, matapos ang gamutan at quarantine procedure.
















