-- Advertisements --
Mahigit 1.5 million (1,513,304) na ang naitalang nadapuan ng coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo.
Sa nasabing bilang 1,047,090 (96%) ay mayroong mild condition at 48,078 (4%) naman ang nasa serious o critical condition.
Pinakamaraming infected ay naitala sa Estados Unidos na may 430,271.
Habang ang bilang naman ng mga nasawi sa buong daigdig ay 88,405.
Ang bansang may pinakamaraming nasawi ay Italy na mayroong 17,669 fatalities.
Samantala, naka-recover naman ang 329,731 pasyente, matapos ang gamutan at quarantine procedure.