-- Advertisements --

Muling nahalal bilang pangulo ng FIFA si Gianni Infantino.

Dahil dito ay pamumunuan niya ang football governing body ng hanggang 2027.

Ang 52-anyos na Swiss lawyer ay pumalit kay Sepp Blatter noong 2016 na ito ay bumaba sa puwesto dahil sa alegasyon ng kurapsyon.

Sa ginawang botohan ay walang komontra sa kabuuang 211 member federations.

Pinasalamatan nito ang mga iba’t-ibang football federations sa bumuto sa kaniya sa ginawang halalan sa Rwanda.

Maaring mamuno ang isang pangulo ng FIFA ng tatlong beses na mayroong tig-apat na taon kada termino.