-- Advertisements --
image 184

Nakarekober ang industriya ng sibuyas sa ikalawang kwarter ng 2023.

Ito ay batay na rin sa pag-angat ng produksyon ng sibuyas sa bansa.

Batay sa datus ng Philippine Statistics Authority(PSA), umabot ang onion production sa bansa ng hanggang sa 84,900 metriko tonelada.

Mas mataas ito ng 3.4% kumpara sa 82,080 metriko tonelada na naitala noong unang kwarter.

Nananatili namang pinakakaraniwang uri ng sibuyas na itiinatanim ng mga magsisibuyas sa buong bansa ay ang Bermuda type na may 83,730 metriko tonelada.

Batay pa rin sa datus ng ahensiya, tumaas ang lawak ng mga taniman ng sibuyas sa buong Pilipinas sa naturang period.

Umabot kasi sa 19,800 ektasya ng lupain ang natamnan habang nasa 18,430 ektarya lamang noong Q1.