Nagbigay ng commitment ang Indonesia sa Pilipinas na magpapatuloy ito sa pagsusuply ng bulto ng coal o uling
Ito ay upang tuloy-tuloy ang operasyon ng mga power plants ng bansa.
Ayon kay Department of Energy Secretary Raphael Lotilla, nangako sa kanya ang Indonesian Government na tuloy-tuloy ang bultuhang supply ng naturang bansa, para sa Pilipinas, kasabay ng pagtitiyak ng matatag na supply ng coal.
Paliwanag ng kalihim, unang naglabas ang Indonesia ng suspension sa coal export nitong nakalipas na taon, ngunit hindi naapektuhan ang Pilipinas.
Sa kasalukuyan, ang Indonesia ang may hawak sa pinakamalaking coal export sa buong mundo.
98% sa inaangkat ng Pilipinas na uling ay nanggagaling sa naturnag bansa.
Ayon kay Lotilla, nauna na rin niyang nakausap ang kanyang Indonesian counterpart nitong nakalipas na buwan at tiniyak umano ng Indonesian official sa kanya ang matatag na coal supply na maaaring mapakinabangan ng Pilipinas.