Dumating na rin sa bansa si Indonesian President Joko Widodo para dumalo sa ASEAN Summit 2017.

Pasado alas-12:00 ngayong tanghali ng lumapag sa Clark International Airport ang presidential plane ang Republik of Indonesia.

Kasama sa dumating ni Widodo ang kaniyang mga delegates.

Si Department of Agriculture Secretary Manny Pinol ang sumalubong kay Widodo at at sa First Lady not na si Lady Iriana.

Si Widodo ang ikalawang world leader na dumating ngayong araw, November 12,2017.

Unang dumating ngayong araw si Lao Prime Minister Thongloun Sisoulith.

Kahapon, dalawang world leaders ang dumating sa Clark, Pampanga.