-- Advertisements --

Nailigtas ng Indian Navy ang ilang crew ng merchant vessels sa Arabian Sea dahil sa tinangka silang i-hijack.

Unang naharang Indian Navy warship ang Liberian-flagged MV Lila Norfolk buk carrier isang araw matapos na makatanggap sila ng ulat na sila ay na-hijacked ng 460 nautical miles sa karagatan ng Somalia.

Hind na nila naabutan ang sinasabing mga pirata.

Base sa ulat na natanggap ng Indian Navy na nasa lima hanggang anim na armadong suspek ang biglang sumakay sa MV Lila Norfolk.

Nailipat na ang mga crew ng barko na binubuo ng 21 crew kinabibilangan ng 15 Indians.

Magugunitang pinalakas ng Indian Navy ang kanilang presensya sa Arabian Sea matapos ang pagtaas ng insidente ng hijacking sa nasabing lugar.