CAUAYAN CITY- Patay ang isang Indian national matapos siyang mabangga ng isang kotse sa national road sa Cansan, Cabagan, Isabela

Ang namatay ay si Pradeep Kumar, 42 anyos, may-asawa, negosyante, residente ng Brgy. Casibarag Norte, Cabagan Isabela.

Ang ngmamaneho ng Toyota Innova na nakabangga sa biktima ay si Marvin Baiza, 29 anyos, binata, at residente ng Brgy Cadaanan, Solana, Cagayan.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Cabagan Police Station na binabagtas ng naturang kotse ang pambansang lansangan patungong hilagang direksiyon nang hindi umano napansin ng tsuper ang biktima na papatawid sa lansangan.

Dahil dito ay nabangga ng kotse ang Indian national na nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Dinala pa si Kumar sa Milagros Albano District Hospital subalit namatay rin habang nilalapatan ng lunas.

nasa pangangalaga na ng Cabagan Police Station ang tsuper ng kotse para sa kaukulang disposisyon.