-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan si Indian cricket legend Sachin Tendulkar matapos na ito ay magpositibo sa COVID-19.

Sinabi nito na noong Marso 27 nang magpositibo siya sa COVID-19 at nakakaranas ng “mild symptoms.”

Sachin Tendulkar

Kasalukuyan na rin itong naka-quaratine sa kanilang bahay.

Pinasalamatan ng 47-anyos na si Tendulkar ang mga fans dahil sa patuloy ang panalangin sa kaniyang agarang paggaling.

Pinayuhan din nito ang mga fans na laging mag-ingat para hindi sila madapuan ng virus.