Suportado ng India ang Pilipinas sa gitna ng patuloy na gusot nito sa China kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea ayon kay Senator Francis Tolentino.
Subalit binigyang-diin ng Senador na wala pang napag-uusapan sa ngayon kaugnay sa intensiyon na magkaroon ng joint patrol sa nasabing bansa.
Gayunpaman, sinabi ng Senado na nitong araw ng Miyerkules isa nanamang malaking bansa ang pumayag na sumama at suportahan ang Pilipinas sa ating ipinaglalaban partikular na ang international diplomatic efforts ng bansa dahil naniniwala sila na ginagawa ng Pilipinas ang tama.
Pinalutang din ni Senator Tolentino ang posibilidad ng pagtulong ng India sa sitwasyon sa bigas sa bansa.
Dagdag ng Senador sa India matinding nakadepende ang ating bansa sa pag-aangkat ng bigas. Kayat marahil umano na tutulong din ang India sa ating bansa na nagpakita din ng suporta sa bansa pagdating sa usapin sa WPS.
Sa kabila nito, hindi naman na ibinahagi pa ng Senador kung paano nito natanggap ang naturang mga impormasyon.