-- Advertisements --
Inaprubahan ng India para gamitin nila laban sa COVID-19 ang Sputnik V ng Russia.
Ang nasabing pag-apruba ng India ay kasunod ng pagiging pangalawa na sa puwesto ang nabanggit na bansa sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19.
Naungusan na nito ang Brazil sa may pinakamaraming kaso habang nangunguna pa rin ang US.
Mayroon kasing 13.5 milyon na kaso sa India habang ang Brazil ay mayroong 13.4 at ang US ay mayroong mahigit 31 milyon na kaso ng COVID-19 ang naitala.
Ito na ang pangatlong bakuna na inaprubahan ng India na ang una ay ang Oxford-AstraZeneca na gawa sa India at ang Covishield.










