-- Advertisements --

Ibinaba ng PHIVOLCS ang alerto ng Bulkang Mayon mula Alert Level 3 patungong Alert Level 2 dahil sa pagbaba ng aktibidad ng bulkan.

Naitala ang paghina ng pagbuga ng lava, pagbagsak ng bato, at pyroclastic density currents mula Hulyo 23, 2026.

Bumaba rin ang bilang ng lindol na kaugnay ng aktibidad ng bulkan at bumalik sa normal ang seismic energy release.

Nabawasan ang sulfur dioxide emission ngunit nananatiling mas mataas kaysa karaniwang antas.

Gayunpaman, pinaalalahanan ang publiko na huwag pumasok sa anim na kilometrong Permanent Danger Zone.

Nanatiling mahigpit ang pagbabantay ng PHIVOLCS sa Mayon at agad na ipaaabot ang anumang bagong kaganapan.