-- Advertisements --

Binawi ng gobyerno ng Manipur sa India ang naunang kautusan sa pagtataboy ng mga refugee na galing sa Myanmar.

Ayon sa home ministry ng nasabing lugar na kanilang kinukupkop na ngayon ang mga dumarating na refugee.

Lahat ng mga makataong paraan ay kanilang ginagawa para tulungan ang mga lumilikas na mga refugee na naiipit sa Myanmar.

Nasa border kasi ng Myanmar ang Manipur kaya ito ang unang tinatakbuhan ng mga refugee na naiipit sa nangyayaring malawakang kilos protesta.

May kasunduan ang dalawang bansa na papayagan ang mga Indians at Burmese na tumawid na manirahan ng hanggang 14 araw subalit ito ay sarado dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa kasalukuyan ay aabot sa 700 na mga refugees mula sa Myanmar ang nasa India ngayon.