May hiwalay pang komite na inaasahang magmo-monitor sa isasagawang clinical trials ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).
Sinabi ni Science Sec. Fortunato dela Peña na naghain na sila ng rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force para bumuo ng independent committee na tututok sa kaligtasan ng trials.
“Ang sub-technical working group na pinamumunuan ng DOST ay magrerekomenda rin, although hindi pa po ito nate-take up sa IATF, nag mag-create ng Safety and Monitoring Committee,” ayon sa kalihim.
Makakasama ng pinabubuong Safety and Monitoring Committee (DSMC) ang team mula sa sponsor ng clinical trial.
“Together, they will monitor the safety of the vaccine while they are being trialed.”
Sa inilabas na tentative schedule ng Department of Health, ikatlo o huling linggo ng Setyembre inaasahang mapapangalan ang mga bakuna na kasali sa WHO Solidarity Trial. Bukod sa international organization, papapasukin din sa bansa ang Independent trials ng iba pang bakuna.
May walong bakuna na mula sa higit 200 candidate vaccines ang nasa Phase 3 ng clinical trial sa iba’t-ibang bansa. Ang tatlo sa kanila, kasali limang vaccine developers na may lumalakad nang bilateral agreement sa Pilipinas: ang Sputnik V ng Russia, at mga bakuna ng Sinovac at Sinopharm biompharmaceutical companies mula China.