NAGA CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding in tandem suspects ang isang incumbent barangay kapitan sa bayan ng San Jose, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Noel Briones, kapitan ng barangay San Vicente sa naturang bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay C/Insp. Romeo Ranara, hepe ng PNP San Jose, sinabi nito na alas-7:00 ng gabi kahapon nang barilin na lamang ng hindi nakilalang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang biktima sa kanilang bahay.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo ang biktima na kaagad namang naisugod sa ospital, ngunit kalauna’y idineklara itong dead on arrival.

Ayon kay Ranara, hindi pa nila malaman kung ano ang posibleng motibo sa likod ng pamamaril sa opisyal ng barangay.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.