Naitala ng insurance industry ang pag-angat ng net income nito ng hanggang sa P22billion sa unang semestre ng kasalukuyang taon.
Ito ay may kontribusyon na kabuuang 1.63% sa ekonomiya ng Pilipinas.
Batay sa datus ng Insurance Commission, ang net income ng naturang sektor ay umangat ng hanggang sa 4.23% mula Enero hanggang hunyo, kumpara sa P21.48billion na kita nito sa kaparehong perio noong nakalipas na taon.
Ang 1.63% na kontribusyon nito sa ekonomiya ng bansa ay mas mataas ngayong taon kumpara sa 1.61% sa nakalipas na taon.
Ang life insurance ay nagtala ng P16.37billion. Mas mataas ng 2.58% kumpara sa P15.96billion.
Ang investment insurance ay nagtala ng P1.68trillion. habang ang assets ay nagtala ng hanggang p1.73trillion.
Nakapagtala naman ng pinakamalaking increase ang non-life insurance na umabot ng 33% o katumbas ng P3.64billion mula sa dating P2.75billion.
Ang naturang datus ay batay sa insurance data na isinumite ng 128 mula sa 136 na lisensyadong insurer at mga mutual benefit associations (MBAs).