Iniulat ng Bureau of Plant Industry (BPI) na umaabot na sa 56,090 metrikong tonelada ng inangkat na bigas ang dumating sa bansa base sa datos noong Enero 11 ng kasalukuyang taon.
Base sa datos ng ahensiya, ang bulo ng inangkat na bigas o katumbas ng 34% ay mula sa Vietnam na nasa kabuuang 36,911 MT.
Habang ang ibang pinagkunan ng inangkat na bigas naman sa unang 11 araw ng kasalukuyang buwan ay mula sa Thailand na nasa 16,351 MT, Myanmar – 1,040 MT, Pakistan – 898 MT at sa Japan – 892 MT.
Samantala, ayon naman kay Samahang Industriya ng Agrikultura executive director Jayson Cainglet, inaasahan nito ang mas mababang rice imports para ngayong taon sa kabila pa ng pagtaya ng US Department of Agriculture na posible umanong umabot sa 3.8 million MT ang kabuuang rice imports ng ating bansa ngayong 2024.
Ayon kay Cainglet, ang mga espekulasyon ay bunsod ng pagsipa ng pandaigdigang paggalaw ng presyuhan ng bigas na kasalukuyang pumapalo na sa $600 kada metric tons.