-- Advertisements --
ILOILO CITY- Proud at masaya ang ina ng Pinoy Boxer na si Eumir Marcial matapos naka-secure ang kanyang anak ng bronze medal para sa bansa sa Tokyo Olympics.
Matandaan na pinatumba ni Marcial, na tubong Zamboanga, ang kanyang katunggali na kinatawan ng Armenia sa unang round pa lang ng Quarterfinal 2 ng Men’s Flyweight.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Carmelita Marcial, ina ng Pinoy Boxer, sinabi nito na bago ang laban ng kanyang anak na tumawag pa ito sa kanila kung saan tiniyak ng atleta na makakamit niya ang panalo.
Hindi naman nawawalan ng kumpiyansa ang ina na maibubulsa rin ng kanyang anak ang gold medal sa Tokyo 2020 Olympics.










