GENERAL SANTOS CITY – Hindi pa natapos ang contact tracing sa 62 taoang gulang na ina ay nadagdagan pa ang hahanapin ng mga contact tracing team matapos nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang anak na 43 taong gulang.
Ito ang sinabi ni Dexter Forro ang administrator ng Barangay Bula na mahigit kumulang sa 100 tao ang kailangang makontak ng mga medical personnel kasama ng pulisya.
Dagdag ni Forro na tatlo na ang nagpositibu sa COVID-19 sa kanilang barangay na pawang nasa isolation facility na.
Nagsawa na rin ng disinfection ang Bula Lying Inn center dahil nakarating sa lugar ang anak ng isang COVID-19 patient.
Dagdag ng administrador na kanila ng inihanda ang Bula Central School na gagawing isolation unit para doon ilabagy ang mga nakasalamuhang tao sa tatlong COVID-19 patient.
Posible din na bukas tangtanggalin na ang ipinatupad na localized lockdown sa ilang mga purok para magsagawa ng contact tracing sa tatlong residente na positibo sa virus.