CAGAYAN DE ORO CITY-Arestado ang isang ama dahil sa panghahalay nito sa sariling anak sa loob ng halos dalawang dekada matapos konsentihen ng kanyang asawa.

Kinilala ang suspek na si Mark, 39, at dating electrician ng Barangay Camaman-an, Cagayan de Oro.

Sinabi ni Cogon Police Station Commander Capt. Tessie Lleva, limang taon pa lang ang biktima nang sinimulang gahasain ng ama hanggang tumanda na ito sa edad na 20-anyos na ito.

Ayon kay Lleva, dati nang nagsumbong ang biktima sa kanyang ina na assistant teacher ngunit pinagalitan lamang ito at kaya hindi nahinto ang panggagahasa ng kanyang ama.

Padating sa presinto, mismong ang ina pa ang nakikiusap sa kanyang anak na hayaan nang makalaya ang ama nito.

Gayunman itinuloy ng biktima ang paghahain ng kasong rape laban sa kanyang ama.