Pinayagan ngayon ng Supreme Court (SC) ang lahat ng mga appellate collegiate courts sa National Capital Region (NCR) na magsagawa ng in-court proceedings mula Nobyembre 2 hanggang November 5.
Pero ayon sa kataas-taasang hukuman, ang pagbubukas ng mga korte ay para lamang sa mga urgent matters maging ng mga bagay na isasagawa base sa direktiba ng presiding justice o iba pang chairpersons.
Nagpaalala naman ang Korte Suprema na ang isasagawang mga proceedings ay limitado lamang para sa mga abogado, partido at mga testigo na ipapatawag sa in-court proceedings.
Ang mga hindi naman pinayagang makadalo sa in-court proceedings ay puwedeng dumalo sa pamamagitan ng videoconferencing, pero subject pa rin ito sa mga umiiral na guidelines.
Samantala, sinabi ng SC na ang mga korte at mga opisina nito ay kailangan pa ring panatilihin ang skeletal workforce na hindi lalagpas sa 30 percent.
Ang period ng filing at service of pleadings and motions na muli namang binuksan pitong araw mula noong Oktubre 20.