-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na may mga nakalatag nang plano ang pamahalaan para mapabagal at tuluyang mahinto ang pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito’y kasunod ng pahayag ng mga bumisitang Chinese medical experts na nagsabing manipis ang tsansa na maputol ng bansa ang pandemic dahil sa limitadong bed capacity.

“Plans are in place to reach our 8,000 (tests) per day capacity. GeneXpert (from US) delivery will compliment this as well,” ayon kay Dr. Beverly Ho.

“Marami na ring mega quarantine facilities na naitayo sa Metro Manila at sa ibang lugar kung saan ia-isolate ang mga suspect cases natin.”

Sa report ng CCTV Asia Pacific kamakailan, sinabi ni Dr. Weng Shangeng, na siyang head ng medical team, na kailangang mag-establish ng Pilipinas ng tinatawag na “Fangcang” hospital.

Ito raw ay isang uri ng make-shift shelter hospital para sa malaking bilang ng mga pasyenteng infected ng COVID-19.

“Because of limited beds and testing capacity in the Philippines, many of the COVID-19 patients are still quarantined at home,” ani Dr. Weng.

Ang findings na ito ng mga doktor ay bunsod ng obserbasyon ng kanilang team sa anim na ospital.

“In this way, mild cases can be admitted to the hospital for observation so as to prevent the mild cases from becoming severe cases.”

SLIDE 1
IMAGE | DOH presentation in House Committee virtual meeting, April 16/Screengrab, HOR

Ayon sa DOH, target nilang makapag-provide ng 6,000 beds kada araw kapag naabot na ng bansa ang peak ng critical COVID-19 cases.

Sa ngayon, wala pa sa 100-percent ang bed occupancy rate ng 69 na DOH hospitals sa bansa, gayundin ang mga public, public-LGU a private hospitals.

Batay sa data ng DOH, may 107,508 bed capacity ang 1,249 na ospital sa buong bansa.