-- Advertisements --
20210316 114928

Dalawang importers na naman kasama ang kanilang mga customs brokers ang sinampahan ng kaso ng Bureau of Customs (BoC) sa pamamagitan ng kanilang Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS).

Kabilang sa mga sinampahan ng BoC sa Deparment of Justice (DoJ) ang F.E.R.N Freight Enterprises at kanilang customs broker dahil sa umano’y iligal na importasyon at misdeclaration ng ilang branded na mga gamot at ointment na may kabuuang halagang P20,346,072.45.

Nasabat ang mga kontrabado sa Manila International Container Port (MICP) noong Agosto 15, 2020.

Isa pang sinampahan ng kaso ang Primeace Corporation at ang kanilang customs broker dahil sa iligal ding importasyon ng ilang printing equipment at materials na nagkakahalaga ng P2,062,475.14.

Ang mga printing equipment ay nahabang naman sa Port of Manila Agosto 1 noong nakaraang taon.

Nahaharap ang mga importers at customs brokers ng kasong paglabag sa RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), Food and Drugs Administration (FDA) Administrative Order 2016-0003 o ang Food and Drug Administration Act of 2009.

Kasong administratibo naman ang isasampa sa Professional Regulation Commission laban sa mga lisensiyadong Customs Broker na sangkot sa kaso.

Naging matagumpay ang operasyon ng BI sa pakikipagtulungan ng mga ito sa Port of Manila at Manila International Container Port.