-- Advertisements --

Itinuro ni dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang kapwa dating cabinet official na si former Tourism Sec. Wanda Teo na siyang nag-request umano ng pagbubukas sa visa-upon-arrival (VUA) program ng Bureau of Immigration (BI).

Sa isang panayam sinaib ni Aguirre na bunsod daw ito ng kagustuhan ni Teo na mapaganda ang kanyang performance bilang kalihim noon ng Department of Tourism kaya naudyok siyang ipatupad ang VUA program.

Sa ilalim ng visa-upon-arrival, madaling nakakatanggap ng visa ang mga dayuhan pagdating sa kahit saang paliparan sa Pilipinas.

Paliwanag ni Aguirre, mismong Malacañang ang nagpahintulot na ipagpatuloy ang sistema kahit pa gusto itong ipabasura ng bagong pamunuan ng BI.

Naniniwala ang dating kalihim na sa implementasyon ng VUA nagkakaroon ng problema kaya ganoon na lang ang influx o buhos ng mga Chinese workers sa bansa.

Isa sa mga layunin ng pagpapatupad ng VUA noong 2017 ay makahakot ng maraming turista sa bansa at mga investors mula China.