-- Advertisements --

Nilinaw ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na ongoing pa rin ang implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Law dahil pinag-uusapan pa lang naman ang proposal na suspendihin o i-delay ito.

Pagtitiyak ito ni PhilHealth President Ricardo Morales, sa kabila nang pag-amin na nahaharap sa financial crisis ang state insurer dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Morales na humigit kumulang 1.2 Pilipino ang nagbebenepisyo sa UHC Law kada buwan, o 10 hanggang 12 million Pilipino sa loob ng isang taon.

Mababatid na sinimulan ang implementasyon ng UHC Law ngayong taon.

Kamakailan lang, sinabi ni Morales sa isang joint congressional hearing na isa sa mga rekomendasyon nila ay ang pagkakaroon ng “general delay” sa implementasyon ng UHC dahil bumaba ng 90 percent ang kanilang premium collection ngayong taon bunsod ng COVID-19 crisis.