-- Advertisements --
Sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na tinitingnan pa rin ng kanyang tanggapan ang mga diumano’y hakbang para i-impeach siya.
Ani Duterte, maglalabas sila ng komento sa tamang panahon. Nilinaw din ng bise presidente na walang problema sa pagitan nila ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Nauna nang pinabulaanan ni Speaker Martin Romualdez ang naturang isyu at sinabing walang mga hakbang sa House of Representatives para patalsikin ang bise presidente.
Dagdag pa ni Romualdez, hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga isyu hinggil sa impeachment.