-- Advertisements --

Balikan ang naging ruling ng Impeachment Court ukol sa mga hiling na subpoena ng prosekusyon ukol sa usapin ng yaman ni Vice President Sara Duterte:

✅ GRANTED o pinagbigyan ang kahilingan ng prosekusyon na magsumite ng subpoena para sa tax records at peso bank accounts ni Duterte, ng kanyang asawa na si Mans Carpio, 19 na korporasyon, at isang partnership mula pa noong 2007.

❌ DENIED o hindi pinayagan ang subpoena para sa foreign currency deposit records (dollar accounts), maliban na lamang kung may nakuhang nakasulat na pahintulot mula sa mga depositor.

⚖️ GRANTED WITH CONDITIONS – Pinayagan ang subpoena para sa mga rekord ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na may kaugnayan kina Duterte, Carpio, 19 na korporasyon, at isang partnership, ngunit dadaan muna sa pribadong pagsusuri ng Impeachment Court upang matiyak na walang state secrets na malalantad.

❌ DENIED o tinanggihan ang lahat ng kahilingan na may kaugnayan sa JTC Group at Pikimong Pikimong dahil hindi nakilala sina Duterte at Carpio bilang mga shareholder.

Ang Bureau of Internal Revenue (BIR), mga bangko, at ang AMLC ay may palugit hanggang Hulyo 30 upang isumite ang mga dokumentong hinihingi.

Sa mga desisyong ito ay kritikal ang pag-usad ng impeachment trial, lalo na’t nakatuon ang hukuman sa pagtitiyak na ang mga ebidensiyang ihaharap ay makatutulong sa paglilinaw ng mga alegasyon laban sa Bise Presidente, nang hindi nalalagay sa panganib ang pambansang seguridad.