Nanawagan ang grupo ng mga mangingisda sa mga bagong hanay ng mambabatas na suportahan ang kanilang panawagan na tanggalin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y kaugnay ng sinasabing verbal agreement sa pagitan ng Pilipinas at China na nagbibigay ng go signal sa mga dayuhan na mangisda sa exclusive economic zone ng estado sa West Philippine Sea.
“We call on the newly elected representatives in Congress to stand with the Filipino fisherfolk in upholding our sovereign and territorial rights and to hold President Duterte accountable.”
Ayon kay Pamalakaya national chairperson Fernando Hicap maghahain ng impeachment complaint ang kanilang hanay kapag pormal ng nagbukas ang 18th Congress.
Malinaw daw kasi na nilabag ng pangulo ang Saligang Batas dahil bigo umano nitong protektahan ang mga teritoryo ng estado.
“This treasonous verbal agreement between Mr. Duterte and Xi has resulted to intensified harassment among the Filipino fishers, massive poaching within our fishing territory and environmental plunder and destruction of our resource-rich West Philippine Sea by China.”
Una ng nagbanta si Duterte na ipakukulong niya ang sino mang magtatangka na patalsikin siya sa pwesto.