-- Advertisements --

Nagpatupad ng Revised dress code ang Bureau of Immigration para sa mga tauhan nito sa gitna ng matinding init ng panahong nararanasan ngayon sa bansa.

Sa isang statement, sinabi ng naturan ahensya na epektibo mula noong Mayo 7 hanggang Mayo 31, 2024 ay maaari nang magsuot ng smart casual uniform ang kanilang mga tauhan sa kasagsagan ng kanilang trabaho.

Bahagi ito ng kanilang mga hakbang upang tugunan ang matinding init na nararanasan ngayon na maaaring makaapekto sa kanilang mga empleyado.

Gayunpaman ay nilinaw pa rin ng BI na hindi nasasaklaw ng kautusang ito ang kanilang mga tauhan na naka-assign sa civil security unit, maging ang kanilang personnel na nakatalaga sa mga pantalan at paliparan.

Kung maaalala, una rito ay nagpatupad na rin ng kaparehong kautusan ang iba pang ahensya ng pamahalaan kabilang na ang Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penelogy, Department of the Interior and Local Government, Department of Education, at marami pang iba.