-- Advertisements --
cropped Imee Marcos 1

Hiniling ngayon ni Senator Imee Marcos sa Philippine National Police (PNP) na huwag pakialaman ang mga onion farmers na tumetestigo sa mga isasagawa pang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa isyu sa sibuyas.

Ayon sa senadora, ang naturang onion farmer ay si Merly Gallardo mula sa bayan ng Bayambang sa lalawigan ng Pangasinan.

Siya ay dumalo sa pagdinig ng Senate agriculture, food and agrarian reform committee.

Sinabi ng senadora na mayron daw pulis na pumunta sa bahay ng testigo at iba pang onion farmers base na rin sa utos ng Department of the Interior and Local Government at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Dahil dito, sinabi ng presidential sister na natatakot na raw ang mga magsasaka ng sibuyas sa biglaang pagpasok ng mga pulis para papirmahin ng sinumpaang salaysay na nagbabaliktad sa kanilang ibinunyag sa Senado.

Ibinahagi rin ni Marcos ang kopya ng police report na mayroong petsang January 18, 2023 na nagpapakitang may mga police officers na nag-interview kay Gallardo.

Nagsagawa rin daw ang mga pulis ng information gathering at validation ang mga pulis kaugnay ng mga nagpakamatay na mga magsasaka ng sibuyas sa Barangay Paragos sa Bayambang, Pangasinan matapos malugi sa pagsasaka ng sibuyas.