-- Advertisements --

Martes sa susunod na linggo na sisimulan ng House Committee on Agriculture and Food ang kanilang imbestigasyon sa sanhi ng malawakang pagbaha sa lalawigan ng Cagayan at Isabela noong manalasa ang Bagyong Ulysses.

Alinsunod ito sa inihaing House Resolution No. 1348 na iniakda ni Speaker Lord Allan Velasco noong Lunes, Nobyembre 16.

Kaisa ni Velasco sina Majority Leader Martin Romualdez at Minority Leader Joseph Stephen Paduano sa pagpapaimbestiga sa kung ano ang naging dahilan ng pagbaha sa Cagayan Valley, na nag-iwan ng 29 na patay.

Sinabi ni Enverga na nais sana nilang gawin ang imbestigasyon na ito ng mas maaga upang sa gayon ay makabuo sa lalong madaling panahon silang mga mambabatas ng mga solusyon, at batas kung kakailanganin, para maiwasan na maulit ulit ang malawakang pagbaha.

Sinabi naman ni Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera na layon ng imbestigasyon na ito na masolusyunan ang dapat na masolusyunan at hindi para magturo sa kung sino ang dapat sisihin.

Naghain na rin ng resolusyon ang kongresista para sa aniya’y “untimely and irresponsible” na pagbubukas ng floodgates ng mga dams at watersheds s aLuzon noong manalasa ang Bagyong Ulysses.