Isinusulong ni Senator Risa Hontiveros ang imbestigasyon para sa umano’y kwestyonableng paglalabas ng P7 billion na halaga ng Commission on Higher Education (CHED).
Sa inihaing Senate Resolution 128, inihayag ng Senadora ang report ng Commission on Audit na kumukwestyon sa Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) kaugnay sa implementasyon ng kanilang pangunahing programa.
Pagbabahagi ng mambabatas na mula ng ihain nito ang naturang resolution tungkol sa programa ng CHED marami aniyang dumulog sa kaniyang opisina na hindi nakatanggap ng kanilang financial assistance.
Ang UniFAST ay isang attached agency ng CHED na siyang nagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act kabilang sa ipinapamigay sa ilalim ng naturang program ay scholarships, grants-in-aid, student loans at iba pang specialized forms ng StuFAPs na binuo ng UniFAST Board.
Isiniwalat pa ng Senadora na ilan sa mga isyu na pinuna ng COA ay ang P3.4 billion ng naantala at hindi naisumiteng Free higher Education billing sat dokumento at ang P824 million halaga ng payments para sa state at universities at colleges maging sa local universities at colleges nang walang official receipts.
Kabilang din sa kinuwestyon ng state auditors ang P1 billion na unimplemented at unreverted funds para sa student loan program, ang P1.003 billion na nabinbing paglalabas ng financial benefits, P4.43 million double scholarship grants at ang P200 million halaga ng unutilized allotments para sa tertiary education subsidy.
Ayon kay Senator Risa, may ilang mga estudyante na huling nakatanggap ng kanilang UniFAST allowance ay noon pang taong 2019. habang ang iba naman ay nakakuha ng kanilang allowance na kalahati lamang ng kanilang semester.
Sa panig naman ng CHED, sinabi ni CHED chairman Prospero De Vera na ang naturang kwestyonableng paglalabas ay nasagot at naitama na ng CHED-UNIFAST bilang tugon sa observation ng COA kung saan una na itong pinalutang tatlong taon na ang nakalilipas.
Tiniyak din ni de Vera na ang kagawaran ay fully transparent at accountable sa kanilang implementasyin ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Sa kabila nito, nakahanda naman ang ahensiya na makipagkita kay Senator Risa para mabigyang linaw ang naturang usapin.