-- Advertisements --
image 139

Naglunsad na ang Department of Transportation ng masusing imbestigasyon sa umano’y bribery racket sa pagkuha ng prangkisa para sa mga public utility vehicle sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Kasabay nito, inisyuhan na ni DOTR Sec.Jaime Bautista si LTFRB chairman Teofilo Guadiz III ng notice to explain para liwanagin ang mga alegasyon ng katiwalian at iba pang mga iregularidad na ibinabato sa ahensiya.

Una rito, nito lamang Lunes, humarap ang dating assistant ni suspended ltfrb chairman Guadiz sa isang press conference sa QC kasama ang transport group at isiniwalat ang alegasyon ng multi-milyong corruption racket sa LTFRB partikular sa PUV franchises at Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Samantala, sa isang statement, nangako naman si Guadiz para sa pagtugon ng korupsiyon sa ahensiya at nanawagan sa mga nabiktima ng umano’y bribery racket sa ahensiya na ireport ang insidente upang agarang matugunan ang naturang usapin.

Sinabi naman ni Bautista na hindi kinukunsinti ng DOTr ang katiwalian sa loob ng ahensya at mga line agencies nito para matiyak ang tapat na pamamahala sa hanay nito.

Idinagdag pa niya na ang ahensya ng transportasyon ay magpapatuloy sa pag-clampdown sa mga maling opisyal na sinasamantala ang kanilang mga posisyon.

Top