-- Advertisements --
sibuyas 1

Inaasahan ngayon ng Philippine Competition Commission na matatapos na ang kanilang isinasagawang imbestigasyon sa umano’y mga kartel ng sibuyas sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan.

Ayon kay Philippine Competition Commission Chairperson Michael Aguinaldo, sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon dito ngunit inamin niya na hanggang sa kasalukuyan wala pa rin aniya silang nakukuhang konkretong resulta dito.

Paliwanag niya, patuloy pa rin daw kasi ang kanilang isinasagawang pangangalap ng mga impormasyon at ebisdensya ng kanilang anti-trust body pahinggil sa naturang usapin.

Kung maaalala, sinimulan ng anti-trust body ang kanilang imbestigasyon sa umano’y pang-aabuso ng kartel sa industriya ng sibuyas matapos na umabot sa Php700 ang kada kilo ng presyo nito sa ilang pamilihan sa Metro Manila noong huling bahagi ng taong 2022.

Habang noong nakaraang buwan lamang ay inaprubahan na ng Department of Agriculuture ang importasyon ng 21,060 metric tons ng sibuyas upang tugunan ang suliraning ito.