-- Advertisements --

CEBU CITY – Inamin ng PNP na nahihirapan sila sa imbestigasyon sa pananambang sa dating mayoralty candidate ng San Fernando, Cebu sa Brgy. Apas, Cebu City.

Ayon kay PCpt. Renz Talosig, hepe ng Mabolo Police Station na mahirap umanong makipag-ugnayan sa pamilya ni ng biktimang si Ruben Feliciano para sana sa background check nito.

Nagdadalawang-isip umano ang pamilya na makipagtulungan sa mga pulis dahil sa takot.

Patuloy naman ang koordinasyon ng mga pulis sa pribadong hospital kung saan naka-admit ang pamangkin nito na si Kim Feliciano para sa isinagawang imbestigasyon.

Sa ngayon, tinitingnan ng mga pulis ang CCTV footage na malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Kung maaalala, si Ruben Feliciano ay pinatay noong gabi ng Bagong Taon ng mga hindi pa nakikilala na suspek na sakay ng van.