Welcome sa Sugar Regulatory Administration ang anumang imbestigasyong nais isagawa ng mga kinauukulan na may kaugnayan sa mataas na presyo ng asukal na ibinebenta sa ilang pamilihan sa bansa.
Ito ay matapos na kuwestiyonin ng ilang mambabatas ang ilang reports na pumapalo hanggang sa PHP136 kada kilo ang bentahan ng asukal sa ilang merkado.
Paliwanag ni Azcona, ito ay sa kadahilanang may ilang mga retailers daw ang nagdidikta sa presyo ng asukal at may mga brand din aniya na mabibili sa mababang halaga.
Bukod dito ay iginiit din niya na kontrolado pa ng Sugar Regulatory Authority ang price watch at monitoring sa mga suggested retail price ng mga produkto dahil hawak na ito ng iba pang ahensya ng pamahalaan.
Aniya, tanging pagpapanatili sa balance sa pagitan ng supply at demand ng asukal ang pinagsusumikapan ng ahensya upang protektahan ang mga mamimili at hindi mabigyan ng raspn ang mga negosyante na itaas pa ang presyo ng kanilang mga itinitinda dahil sapat aniya ang supply nito.
Bukod dito ay iniingatan din aniya ng kanilang kagawaran ang proteksyon ng mga magsasaka na mapanatili pa ang farmgate price ng asukal sa halagang Php60.
Samantala, ibinida naman ni Azcona na ang mga stock na local at imported refined sugar ng bansa ay 132% na mas mabuti kumpara noong nakaraang taon na may kabuuang 385,000 metric tons na asukal.
Habang mayroon namang 476,000 metric tons na raw sugar ang bansa na mas mabuti ng 18% hanggang 19% kumpara noong nakalipas na taon.