-- Advertisements --

Posible umanong tapusin na ngayong buwan ng Department of Justice (DoJ) ang pag-iimbestiga sa pamamaril ng mga pulis sa mga sundalo sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng apat na sundalo.

Sinabi ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Fadullon, ang kaso ay magiging submitted for resolution na ngayong buwan.

Sinabi niya na ang mga police officers na akusado sa pagpatay sa mga sundalo at pagtatanim ng mga ebidensiya ay nagsumite na ng kanilang counter-affidavits noong nakaraang linggo.

Puwede pa naman umanong maghain ng tugon ang National Bureau of Investigation (NBI) at rejoinder naman sa mga police officers bago ideklarang submitted for resolution na ito.

Noong Hulyo nang magsampa ang NBI ng reklamong apat na bulang ng kasong pagpatay at isang bilang ng kasong planting of evidence ang isinampa laban sa siyam na police officers dahil sa pagpatay ng mga ito sa apat na sundalo.

Tinutugis noon ng mga sundalo ang umano’y suicide bombers noong June 29 noong pinagbabaril ang mga ito ng pulis sa Barangay Walled City.

Namatay sa insidente sina Major Marvin Indamog, Captain Irwin Managuelod, Sergeant Eric Velasco at Corporal Abdal Asula.