-- Advertisements --

Maaring sa mga susunod na linggo ay matutukoy na ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) kung mayroong cyber attack na naganap sa air traffic management system ng Ninoy Aquino International Airport na nagbunsod sa aberya ng mga paliparan noong Enero 1.

Ayon kay CICC Executive Dir. Usec. Alexander Ramos na mayrong ilang coding sa system log nila ang hindi nila maintindihan.

Kinailangan pa nila itong idulog sa manufactures ng nasabing systeym ng NAIA para ipaintindi ang nilalaman ng ilang logs.

Pagtitiyak nito na kapag naayos na ito ay agad nilang ibibigay sa mga otoridad na nagsasagawa ng imbestigasyon.