ILOILO CITY – Hindi pa rin makapaniwala ang Ilonggo na naging Top 1 sa September 2019 Medical Technologist Licensure Examination.

Ito ay si Reiven John Borbon Bernales, nagtapos sa University of San Agustin sa Lungsod ng Iloilo.

Si Bernales ay nakakuha ng 90.50% na rating.

Sa kanyang Facebook post, lubos na pinapasalamatan nito ang Diyos dahil hindi siya pinabayaan noong halos sumuko na ito sa kanyang pag-aaral.

Ani Bernales, hindi niya lubos akalain na makukuha niya ang No. 1 spot sa board exam.

Inaalay naman nito ang tagumpay sa kanyang pamilya at paaralan lalo na sa Diyos na nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na kinailangan niya sa pagkuha ng pagsusulit..

Napag-alaman na nasa Top 9 din ang graduate ng Central Philippine University sa Iloilo na si Alfred Ceasar Deza Carado na nakakuha ng 89.20%