CEBU CITY – Lubos na nagpapasalamat ang mga kaanak ng biktima ng Iloilo-Guimaras sea tragedy na tubong Cebu sa tulong na ibinigay ng Yanson Bus Group of Companies at kay Doña Olivia Villaflores Yanson.

Ito’y matapos na nai-turnover ang financial assistance sa pamilya Baguio at Janson na isinagawa kanina, live sa Bombo Radyo sa programang Bombohanay Bigtime.

Ayon kay Janver Janson, malaking tulong sa kanila ang natanggap na cash assistance mula sa naturang kompanya upang mas mapabilis ang pagsasaayos ng libingan ng kanyang kaanak na biktima sa pagtaob ng motorbanca na M/V Jenny Vince noong Agosto 3.

Ayon kay Ronhill , magagamit ang tulong ng Yanson Foundation sa mga gastusin lalo na sa proseso sa paghihimlay ng kanyang mga kaanak na kasali sa 31 casualties ng trahedya sa dagat.

Ayon kay Trixie Acogido, assistant admin manager ng kompanya, maaari ring ma-avail ng pamilya Baguio at Janson ang nagpapatuloy na libreng medical mission ng kompanya.

Tiniyak ng Yanson Foundation at ng Yanson Bus Group of Companies na sila ay handang tumulong sa kung ano man ang pangangailangan ng mga kaanak ng pitong biktima na taga-Barangay Ermita sa Lungsod ng Cebu.