Kinumpirma ni Deputy Majority leader, Appropriations Vice Chair at Iloilo Representative Janette Garin na nasa P10 million AKAP funds ang nakalaan para sa kaniyang distrito.
Nilinaw naman ni Rep. Garin na wala pang disbursement sa nasabing pondo bagkus naka- allocate pa ito sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).
Sa ngayon ayon kay Rep. Garin sinisimulan na nila ang pagkuha sa mga data base at pagtukoy sa mga target beneficiaries.
Para sa kaniyang distrito mga katulong o kasambahay ang magiging recipient ng AKAP.
Ipinunto ng lady solon, layunin ng AKAP na bigyan ng tulong ang mga manggagawa na nasa katergoya ng near-poor families na may monthly income na P23,000 pababa.
Aniya, kung mayruon man na programa para sa mga mahihirap nating kababayan, mayruon din para duon sa mga nagtatrabaho pero hindi sapat ang kita.
Sinabi ng Kongresista na kanila din pinag-aaralan na imbes P5,000.00 one time cash assistance ang kanilang ibibigay sa mga beneficiaries ay gawin na lamang itong P3,000.00 para mas marami pa ang mabigyan.
Una ng pina-alalahanan ng Kamara si Senator Marcos na inaprubahan ng Senado ang pondo para sa AKAP program.
Samantala, inihayag din ni Garin na may karapatan si Senator Imee Marcos na magpatawag ng imbestigasyon kaugnay sa isyu ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Pero ayon sa lady solon sana hindi maapektuhan ang pagpasa ng mga makabuluhang batas sa gagawing imbestigasyon.
Ipinunto ni Garin na maganda ang intensiyon ng AKAP na sana huwag ng lagyan ng kulay ng ilang mga opisyal ng pamahalaan.