-- Advertisements --

Iloilo Province, nakigpagkasundo na rin sa AstraZeneca sa pagbili ng COVID-19 vaccine

ILOILO CITY- Naglaaan na ang P95 million ang Iloilo Provincial Government sa pagbili ng COVID-19 vaccine sa British-Swedish multinational pharmaceuticalcompany na AstraZeneca.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., sinabi nito na 271,000 doses ng bakuna ang kanilang bibilhin.

Sa katunayan anya, handa na ang cold storage facility ng lalawigan sa Iloilo Sports Complex at maging sa mga provincial at district hospitals.

Aminado rin ang gobernador na kailangan pang ipaliwanag sa mga residente ng lalawigan ang kahalagahan ng bakuna.