Reading Time: 1 minute

ILOILO CITY – Sugatan ang isang drug group leader matapos umanong manlaban sa buy bust operation ng mga otoridad sa Sara, Iloilo.

Kinilala ang suspect na si James “Jaguar” Balsomo, na secretary ng Sangguniang Bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni police Maj. Jonathan Pinuela, hepe ng Provincial Drug Enforcement Team, na biglang bumunot ng baril at nagpaputok si Balsomo nang mabatid na pulis ang kanyang ka-transaksyo sa mismong harap ng munisipyo.

Gumanti naman ang hanay ng pulisya kaya napuruhan ang salarin.

Ayon kay Pinuela, nagsisilbing supplier ni Balsomo noon ang namatay na kilalang Western Visayas drug lord na si Melvin Odicta.

Dagdag pa nito, matagal ng mino-monitor ng mga otoridad si Balsomo kaugnay sa kanyang ugnayan umano sa mga illegal drug transactions.