-- Advertisements --
ILOILO CITY – Sumasailalim sa dalawang linggong quarantine si Iloilo City Mayor Jerry Treñas.
Ito’y matapos naka-close contact ang nasa tatlong COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) positive.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Treñas, sinabi nito na ang naturang mga COVID-19 positive ay kabilang sa isang grupo na tumungo sa kanyang opisina upang magbigay ng donasyon.
Ayon kay Treñas, nagpakuha ng litrato sa hindi na pinangalanang grupo para sana documentation.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang contact tracing at nakatakda namang magpakuha sang swab sample para sa COVID-19 test ang alkalde.
















