-- Advertisements --
ILOILO CITY – Muli na namang umalma si Iloilo City Mayor Jerry Treñas dahil sa mababa pa ring alokasyon ng COVID-19 vaccine sa lungsod.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Treñas, sinabi nito na malaking palaisipan kung bakit sobrang baba ang bilang ng mga COVID-19 vaccine kahit na tinukoy na ng Department of Health ang lungsod na high-risk sa COVID-19.
Ayon kay Treñas, unfair o hindi patas ang Duterte administration dahil noong tumaas ang COVID-19 sa NCR, bumuhos ang bakuna sa nasabing lugar.
Ngunit nang tumaas naman ang COVID-19 sa lungsod, puro pangako lang ang ginawa ng national government.