-- Advertisements --

LAOAG CITY – Sasailalim ng 14-day home quarantine ang lahat ng mga board members dito sa lalawigan ng Ilocos Norte dahil sa coronavirus.

Ito ang inihayag ni Ilocos Norte Vice Governor Cecilia Araneta Marcos.

Sinabi ni Marcos na ang naging hakbang nila ay bahagi pa rin ng executive order number 60-20 na una nang ipinatupad ni Gov Matthew Marcos Manotoc.

Dahil ditoy, wala nang isinagawang regular session sa Sang panlalawigan kaninang hapon.

Ipinaliwanag pa ng bise gobernador na may mga kasama sila sa Sang panlalawigan na nanggaling sa manila kamakailan lamang

Dagdag pa ng bise gobernador, posibleng babalik na lamang ang session sa Marso 30 sa kasalukuyang taon.